Thursday, August 4, 2016

'Nay, magpapasukan na!

“Nay, masikip na ang palda ko.  Hindi na kasya sa baywang saka sagad na ang tahi sa laylayan.  Paano ‘yan?  Magpapatahi na ba tayo ng bago kong palda sa pasukan?”

“Pwede pa ‘yan.  Pagagawan natin ng paraan sa mananahi,” sagot ni Nanay.

Ha? Ano pa kayang paraan ang naiisip ni Nanay para magamit pa uli sa pasukan ang pinagkaliitan ko nang palda.  Nagsimula itong may malapad na tupi sa laylayan noong bagong tahi pa.  Taon-taon, inuurong ang tupi dahil tumatangkad ako.  Pero, katulad nga ng sabi ko, ngayon ay wala nang tuping pwedeng tastasin.

Kinuha ni Nanay ang aking palda at itinabi para dalhin sa kapitbahay naming mananahi.  Pagkatapos ay sinimulan na namin ang isa sa aming mga tradisyon tuwing bago magpasukan.

Tiningnan namin isa-isa ang mga kwaderno (o notebook) na ginamit ko at ng nakababata kong kapatid noong nakaraang pasukan.  Maingat naming tinanggal ang mga alambre (o spring).  Hiniwalay ang mga may sulat sa mga wala pang sulat.  Pagkatapos pinagsama-sama namin ang mga natirang mga pahina para bumuo ng mga bagong kwaderno.  Tinatahi ni Nanay isa-isa ang mga bagong kwaderno mula sa mga hindi nagamit noong nakaraang pasukan.  Tapos binabalutan ko naman ito ng mga pambalot ng regalo at plastik para magmukang bago at para hindi madaling madumihan o masira.

Bago rin magpasukan, iniinspekyon namin ang mga dati naming sapatos.  Kadalasan, wala kaming sapat na pera para bumili ng bago taon-taon. Kaya ang ginagawa ni Nanay dati, pinapapalitan lang niya ang swelas o ilalim dahil iyon naman ang madalas na unang nasisira.  Pinapalitan na lang ang sapatos namin kapag nasira na ang itaas, halimbawa ay nabiak na o nabutas.  Kaya palagi naming nililinis at pinakikintab ang sapatos namin para hindi madaling masira agad ang balat.

Isa pang paraan ng pagtitipid na ginagawa ni Nanay tuwing bago magpasukan noong elementarya pa kami ay maghanap ng mga lumang libro o second hand books mula sa mga mas nakatatandang estudyante sa aming paaralan, sa mga kapitbahay namin na mas nakatatanda o sa mga tindahan sa Recto.  Hangga’t maaari hindi kami bumibili ng bagong textbook kung mayroon naman kaming mahihiraman o mabibiling luma para mas makatipid.  Iyong mga workbook lang ang binibili ng bago dahil kailangan itong sagutan.

Mahigit dalawang dekada na ang nakaraan mula ng magtapos ako sa elementarya ngunit sariwang-sariwa pa rin sa aking alaala ang mga ginagawa naming paghahanda noong bata pa ako tuwing malapit na magpasukan.  Hindi ko mapigil na mangiti at matawa lalo na nang maalala ko kung paano ginawan ng paraan ni Nanay at ng kapitbahay naming mananahi ang akala ko ay hindi ko na maisusuot na palda. 

Dahil wala na ngang remedyong magagawa sa laylayan dahil sagad na ang tahi, dinugtungan ng mananahi sa baywang ang luma kong palda.  Ginawan niya ng bagong paha at dinugtungan ng halos kakulay na tela.  Iyong dating nasa baywang ay binawasan ng bahagya at napunta na sa may bandang balakang dahil sa ginawang dugtong.  Hindi naman daw halata kasi mahaba ang aking blusa!

Nakakabilib talaga si Nanay! Katulad ng maraming ina, tunay siyang maparaan!

Buti na lang maabilidad at maparaan si Nanay!  Dahil sa katangian niyang ito, nakapagtapos ako ng elementarya sa isang pribadong paaralan.  Ang kanyang halimbawa ng pagpupursige at sipag ay naging inspirasyon ko upang maging isang masikap, masipag at responsableng mag-aaral.  Tinuruan niya akong maniwala na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang iyong mga pangarap.  Katulad nga ng sabi sa kasabihan, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.  Ginawa ng aking mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya upang mapagtapos ako ng pag-aaral.  Hindi naging madali para sa aming lahat ang mga taong iyon na nag-aaral pa ako. Maraming sinakripisyo ang aking mga magulang para matupad ang aming pangarap pero sulit naman lahat ng iyon tuwing aakyat kami sa entablado taon-taon para tanggapin ko ang aking medalya bilang Top 1 o First Honor at nang mag-gradweyt akong Valedictorian sa elementarya, nang ako’y makapagtapos sa high school sa isang paaralang ekslusibo para sa mga babae na may Academic Excellence Award, at higit sa lahat nang ako’y magtapos sa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.

Magpapasukan na naman.  Hindi ko mapigil na hindi maalala ang mga magaganda at masasayang alaala ng aking pagkabata at buhay estudyante lalo na noong ako’y nasa elementarya pa.  Masaya ako noon kahit mulat ang aking mga mata sa kahirapan ng aming pamilya.  Masaya ako dahil itinataguyod ako ng aking mga magulang para magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng magandang edukasyon.  Masaya ako dahil mayroon akong mga kaibigan noon na hindi pansin kung bago ba o luma ang aking uniporme at sapatos.  Masaya ako noon dahil may mga guro akong naniniwala sa aking talino at kakayahan kahit na ako’y mahirap lang.

Pero mas masaya na ako ngayon dahil sa aking pagtityaga, disiplina, suporta ng mga taong nakapaligid sa akin at sa tulong ng Diyos, naabot ko ang bawat pangarap na pinangarap ko simula nang una akong natutong mangarap.

Magpapasukan na!  Dalangin kong mas marami pang batang mahirap ang matutong mangarap at mabiyayaan ng mga magulang na tulad ng mga magulang ko… lalo na ng tulad ng Nanay ko!  

Happy Birthday, 'Nay!


My Mom and I at Hotel Kimberly last year
where we had an advance Mother's Day celebration.


* This was first published at POC as a Mother's Day post.  


33 comments:

  1. Im proud na nakapag tapos ako ng pagaaral. Salamat sa magulang ko na sumuporta sa akin at sa lahat ng teacher kong nagtiyagang magturo.

    ReplyDelete
  2. Aw.. this is really sweet... wala talagang makakapantay sa pagaaruga ng ating mga ina...saludo ako sa sipag and walang katumbas na pagmamahal ng isang ina..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe mga nanay no? :) Now, I understand my mother more.

      Delete
  3. This only shows na nasa pagpapalaki ng mga magulang ang pagiging mabuti ng isang anak. I really admire your mom for being tough. I will do my best to guide my son as well. Sana lang ay makaya ko gaya ng yung nanay. :)

    ReplyDelete
  4. Happy birthday to your mom! :) Our parents are incredible aren't they. Mine aren't college grads but they still managed to raise and send the six of us to school. I remember we also had thrifty traditions back then.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang galing di ba? We still have a long way to go! My kids are still young. I also dream that one day, they would all get to finish college.

      Delete
  5. Happy birthday to your mom! I'm not a mother yet so I can only wonder and fathom how much sacrifice a mother makes. We should always be grateful for our mothers.

    ReplyDelete
  6. Tbh, I couldn't have done it if it weren't for my mom. Even though I was a bit rascal then, she continuously reminded me to change for the better. I think every mom is a super woman. Happy birthday to your mom!

    ReplyDelete
  7. Happy birthday to your mom. If there's one thing in the world that I miss, it IS my mom. My mom died when I was barely 4 and I just don't know how life could have been if my mom was still with me. I am a soon-to-be-mom and I promise myself to give the best that I can to my child. I hope my mom is watching over me as soon as I become a mom myself few days from now.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry to hear that. I'm sure she is watching you and your family. :)

      Delete
  8. I love how you wrote this piece! It reminded me so much of the Filipino reading books I had when I was in grade school. :) Kudos to all Nanays!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! I seldom write in Filipino. This was one of those. :)

      Delete
  9. Great that you have such a good bound with your mom. It's great that she's so supportive. Moms are the best! Happy birthday to your mom!

    ReplyDelete
  10. All I am is thanks to my mom. She has supported so much all through my studies, and it all has paid off. Thanks to her. I was eager for knowledge since a very young age and she had always bought me books and any material I'd need to become better and better... I wasn't spoiled but she gave me more than enough that I needed to become what I am today.

    ReplyDelete
  11. I don't understand the language, but based on the summary you gave in the group I really think your mom is an inspiring woman. I think that by teaching you money-saving strategies she truly prepared you for the real life more then school could ever do. It's quite a valuable present that no amount of money can buy! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. True! I learned a lot from her as I observed how she raised me and my younger brother.

      Delete
  12. Ako din po ay makiki-HAPPY BIRTHDAY na rin kay nanay. Nay! HAPPY BIRTHDAY! Pagalitan na po ninyo si Teresa kung hindi rin niya ginagawa ang pagtitipid katulad ng ginawa ninyo noong bata pa siya. Joke lang po. Hehe. Pero ang galing po ninyo. Para-paraan lang talaga at kung ito ay gagawin, tiyak may patutunguhan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat, Robert! Marami akong minana ka Nanay, Robert! hahaha Kaya matipid at madiskarte din ako e! ;)

      Delete
  13. Oh the school days when my parents did the enrollment and tuition fee payment for me. Gone are the days. Now that I'm paying for my tuition in grad school, I appreciated their efforts. And sakit sa bulsa! I almost backed out. And I also thought, kung ganito kahirap mag-aral, ayoko na magpa-aral! Ng anak, that is. Kudos, moms. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Right, ang gastos magpaaral. Kaya dapat lang talaga pahalagahan ng mga anak ang ginagawang pagsusumikap ng mga magulang para mapagtapos sila.

      Delete
  14. Maligayang bati sa iyong ina. Sadyang nakatutuwa na nairaos tayo ng ating mga ina s pamamagitan ng kanilang pagtitiyaga. Para sa ating murang isipan noon, maaaring hindi natin sila maunawaan sa pagtitipid na kanilang ginagawa. Para sa atin, tayo ang aba. Ngunit ngayong tayo naman na ang mga magulang, sadyang ganun pala ang mga ina. Madiskarte, maparaan. Pero kung kaya naman pagbigyan amg anak, gagawin. Saludo ako sa iyong ina.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat! Nakakatuwa kung paano maparaan ang madaming ina, di ba? :)

      Delete
  15. happy mother;s day! super ganda! i also wander up until now how super woman my mother is and my grandmothers too. They are such a blessing in every way, madiskarte, maalalahanin, paraparaan lang din, nakukuha ko na nga din pagiging creative nila.. ganda!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! galing ng mga nana no? I think I learned how to be madiskarte from my mom. :)

      Delete
  16. Naranasan ko din yung iba dito nung bata ako. Dati hindi ko maintindihan bakit lagi na lang luma o hindi sinusuportahan ng Nanay ko yung mga gusto ko. Pero habang tumatagal naiintindihan ko na din kung bakit. Iba dumiskarte at magmahal ang mga nanay. Walang kupas at walang katulad :)

    ReplyDelete
  17. This. I can relate so much with the article. :) As in! Salamat po for sharing this beautiful piece. Now, I miss my mom even more! Iba talaga nagagawa ng pagiging ina! Lumalabas and pagiging creative, resourceful, lahat na. :) Sana maraming makabasa..

    ReplyDelete
  18. Your mom is adorable! Just like all the mothers in the world, willing to sacrifice everything for their children. Inspiring story success story mate., I know you are also like your mom is an inspiration to your kids.


    cheers! www.masterryo.com

    ReplyDelete